^

Police Metro

Mister utas sa kapitbahay na kumukursunada sa kanyang misis

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inatado nang saksak ang isang driver ng la­laking kapitbahay nito na sinita ng una dahil sa lagi nitong pagtitig sa katawan kanyang misis kamakalawa ng gabi sa  Sta. Cruz, Maynila.

Ang biktima na hindi na umabot ng buhay sa Tondo Medical Center ay nakilalang si Alberto Pa­ngilinan, 34, ng Ampatuan Compound, Oroquieta St., Sta. Cruz dahil sa mga tama ng saksak sa  katawan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, bago nangyari ang krimen dakong alas-9:00 ng gabi ay sinita ng biktima ang suspek na lagi nitong nahuhuling nakatitig sa kanyang misis na tila kinukursunada nito.

Nagkaroon ng pagta­talo ang dalawa hanggang sa  umalis na lamang ang suspek habang pumasok sa loob ng kanilang bahay ang biktima at naglaro ng gadget kasama ang anak na si Alzen, 9-anyos.

Nagulat na lamang umano ang biktima at kan­yang anak nang makita na pumasok sa kanilang bahay ang suspek na armado ng patalim at saka inundayan ng saksak ang biktima. Nabatid na nasa labas ng bahay ang misis ng biktima nang mangyari ang insidente.

Hindi naman nadakip ang suspek na si Enrique Ronquillo na tumakas matapos ang krimen.

vuukle comment

ALBERTO PA

ALZEN

AMPATUAN COMPOUND

BIKTIMA

CRUZ

ENRIQUE RONQUILLO

INATADO

OROQUIETA ST.

TONDO MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with