“Tattoo” gimik ng kandidato sa Gapo
MANILA, Philippines - Isang kandidato sa pagka-Kongresista dito ang pinaratangang gumagamit ng ibang uri ng gimik na hindi kayang baklasin at tanggalin ng mga grupong kontra epal.
Inakusahan ng isang babae ang mga tagasuporta ni Jeff Khonghun, congressional candidate sa Unang Distrito ng Zambales, na humikayat sa kanila upang magpalagay ng tattoo na hugis tabak sa kanilang kanang kamay kapalit ng halagang P2,000.
Ayon kay Jocelyn Alcantara, 53, ng Barangay Cabalan, nagtungo siya sa city hall upang humingi ng tulong para ipambili ng gamot ng apo niyang may sakit nang harangin siya ng isang babae na kumumbinse sa kanya na magpunta sa headquarters ni Khonghun at magpalagay ng tattoo upang mabigyan siya ng P2,000, subalit wala siyang natanggap na kahit magkano mula sa kampo ni Khonghun. Binalaan naman ng city health department ang mga botante na mag-ingat sa pagpapalagay ng tattoo lalo kung hindi propesyonal ang magsasagawa nito dahil maari itong pagmulan ng impeksiyon, HIV at nakakahawang sakit na Hepatitis.
- Latest