90K na pasahero nalibre sa LRT
MANILA, Philippines - Tinatayang nasa 90,000 commuters ang nakinabang sa libreng sakay na ipinagkaloob ng Light Rail Transit (LRT) Line 1 at 2 kasabay ng pagdiriwang ng Rizal Day kahapon.
Sinabi ni Light Rail Transit Authority (LRTA) Spokesman Atty. Hernando Cabrera, mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng umaga pa lamang ay umabot na sa 37,688 commuters ang nakalibre ng pamasahe sa LRT 1 (Monumento-Baclaran).
Tinatayang nasa 12,261 naman ang nakalibre sa LRT Line 2 (Recto-Santolan).
Nasa 40,000 namang pasahero ang nakalibre ng sakay mula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi.
Nabatid na ang libreng sakay na ibinigay ng LRT ay bahagi ng pakikiisa sa paggunita sa ika-116 na anibersaryo ng kabayanihan ni Dr. Jose Rizal kahapon. Nagpapasalamat naman ang mga commuters sa pamunuan ng LRTA dahil nakatipid sila ng pamasahe.
- Latest