^

Police Metro

Para sa peacekeeping mission… Navy contingent, tumungo ng Haiti

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Umalis na patungo ng bansang Haiti ang may 157 “All Navy AFP contingent” upang magsilbing peacekeeping force ng United Nations (UN).

Sa ginanap na send off ceremony kahapon sa Villa­mor Air Base, pinangunahan ni Navy Chief Vice Admiral Jose Luis Alano ang pagbibigay paalala sa ‘All Navy contingent’ na huwag bibiguin ang AFP sa misyon nito sa bansang patutunguhan ng mga Pinoy peacekeepers.

Sinabi ni Philippine Navy Spokesman Lt. Col. Omar Tonsay, ang mga peacekeepers ay binubuo ng 12 opisyal at 145 personnel ng Philippine Navy sa pamumuno ni Col. Jimmy Lareda.

Ang nasabing mga peacekeepers ay sinundo ng UN private aircraft kahapon ng umaga sa Villamor Air Base sa Pasay City.

Ayon kay Tonsay, ang naturang mga peacekeeping contingent sa Haiti ay ika-16 contingent sa UN Peacekeeping Force  na papalit naman sa ika-15 All Navy contingent doon sa susunod na mga araw.

“Ang mga ito ay inatasang magbigay ng perimeter security sa Force Headquarters ng UN Mission, magbigay ng administrative at logistics clerical services sa Force Headquarters, mag-operate ng mga military vehicles doon at magbigay ng VIP security sa Force Headquarters”, ayon pa kay Tonsay.

AIR BASE

ALL NAVY

FORCE HEADQUARTERS

JIMMY LAREDA

NAVY CHIEF VICE ADMIRAL JOSE LUIS ALANO

OMAR TONSAY

PASAY CITY

PEACEKEEPING FORCE

PHILIPPINE NAVY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with