NPA rebels, humihingi na rin ng relief goods
MANILA, Philippines - Maging ang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ay sumasama na rin sa libu-libong mga evacuees na kinakanlong sa mga evacuation center sa Compostela Valley at Davao Oriental para humingi ng relief goods.
Sinabi ni Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) Chief Brig Gen. Eduardo Año na dumaranas na rin ng matinding pagkagutom ang mga NPA rebels sa mga lugar ng sinalanta ng bagyong Pablo kaya kailangan nilang humalo sa mga evacuees para makahingi ng pagkain.
“We received information that the NPA rebels operating in areas hit by typhoon Pablo’s in Compostela Valley and Davao Oriental have mixed with the civilian evacuees”, sabi Año.
Samantala, nabatid mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umaabot na sa 955 ang narerekober na bangkay habang nasa 841 pa ang nawawala sa mga biktima ni super typhoon Pablo na nanalasa sa Region XI noong Disyembre 4. Umaabot naman sa P16 bilyon ang pinsala ng bagyo sa imprastraktura, agrikultura at mga pribadong ari-arian.
- Latest