1 Pinoy patay, 4 kritikal sa Mexico oil rig blast
MANILA, Philippines - Isang overseas Filipino workers (OFWs) ang nasawi habang 4 ang nasa kritikal na kondisyon habang isa ang nawawala matapos na masunog ang 15 Pinoy sa sumabog na oil rig sa karagatang sakop ng Port of Mexico sa Estados Unidos kahapon.
Base sa inisyal na natanggap ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Embahada ng Pilipinas sa Washington D.C., hindi muna pinangalanan ang nasawing Pinoy habang ginagamot sa Baton Rouge General Hospital sa Louisiana bunsod ng maraming sunog at sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Nananatili namang nasa kritikal na kondisyon ang apat pang Pinoy dahil sa matindi ring pagkasunog sa katawan na pawang nagtatrabaho sa Grand Isle Shipyard Inc.
Ayon sa kay Foreign Affairs Spokesman Raul Hernandez, unang dinala ang 15 Pinoy na sugatan sa West Jefferson Medical Center sa Louisiana.
Inatasan na ni Ambassador Jose Cuisa Jr. ng Embahada ng Pilipinas sa Washington ang kanilang welfare officer na puntahan ngayong araw sa ospital at tingnan ang kalagayan ng mga Pinoy na sugatan at tingnan kung anong tulong ang maibibigay sa mga ito at maging sa kanilang pamilya sa Pilipinas.
Ayon naman kay Ambassador Cuisa, pansamantalang itinigil ng US Coast Guard pasado alas-5:25 ng hapon (oras sa US) ang paghahanap sa isang nawawalang Pinoy nang dumilim na sa lugar.
Sa unang report ng US Coast Guard, naganap ang pagsabog at pagsiklab ng apoy sa isang bahagi ng oil rig ng Black Elk Energy Company na matatagpuan may 20 milya southeast ng Grand Isle.
Naganap ang insidente nang magkamali umano ang ginamit na cutting equipment sa isang puputuling linya ng oil rig.
Imbes na cutting device ay isang cutting torch ang asksidenteng nagamit umano ng mga manggagawa sanhi ng pagsiklab ng apoy.
- Latest