^

PM Sports

Eala kumpirmado sa ASB Classic

Chris Co - Pang-masa
Eala kumpirmado sa ASB Classic
Alex Eala
STAR / File

MANILA, Philippines — Maagang sisimulan ni Alex Eala ang season nito dahil agad itong sasalang sa ASB Classic sa Auckland, New Zealand na aarangkada sa Enero.

Inaasahang hindi mas­yadong makakapag-party si Eala sa holiday season dahil sasailalim ito sa puk­pu­kang ensayo para sa WTA 250 event na papalo sa Enero 4 hanggang 10.

Inaasahang isa si Eala sa mga seeded players sa na­turang torneo dahil sa kaniyang mataas na ran­king sa WTA.

Kasalukuyan itong nasa No. 15 sa WTA — ang pinakamataas na ran­king ni Eala sa kaniyang tennis career.

Hindi ito ang unang pagkakataon na maglalaro si Eala sa Auckland.

Nasilayan na ito noong Enero ng taong ito kaya’t excited si Eala na muling bu­malik sa New Zealand sa susunod na taon.

“I loved my time in Auckland. Of course, the support there was ama­zing, especially from the Filipino community. The people there were super-nice. The city was super-nice. I was there during New Year so it was a great experience for me,” ani Eala.

Matatandaang umabot si Eala sa semifinals ng singles kung saan natalo ito kay Wang Xinyu ng China sa iskor na 7-5, 5-7, 4-6.

Nauna munang tinalo ni Eala sina Dona Vekic ng Croatia sa opening round (4-6, 6-4, 6-4), Petra Marchinko ng Croatia sa second round (6-0, 6-2) at Magda Linette ng Poland sa quarterfinals (6-3, 6-2).

Ito rin ang unang pagkakataon na nagtamabl sa doubles sina Eala at Iva Jo­vic ng Amerika.

Umabot din sina Eala at Jovic sa semifinals suba­lit natalo ang dalawa kina third seeds Xu Yifan at Yang Zhao Xuan ng China (5-7, 3-6).

“Alex is not just an exciting young player, but she has already developed into one of the most recognizable players in world tennis,” ani ASB Classic Tournament Director Nicolas Lamperin.

Alam ni Lamperin na malakas ang hatak ni Eala sa mga Pinoy fans na inaasahang muling daragsa sa Auckland para panoorin ang kaniyang mga laban.

“We are excited Alex has chosen to come back to play in Auckland,” ani Lamperin.

ALEX EALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with