Mojdeh tagumpay sa NCAA Season 102

MANILA, Philippines — Magarbong tinapos ni La Salle Green Hills (LSGH) tanker Behrouz Mohammad ‘Madi’ Mojdeh ang kampanya nito matapos umani ng kabuuang pitong medalya sa NCAA Season 102 swimming competitions sa Rizal Memorial Sports Complex sa Manila City.
Rumatsada nang husto si Mojdeh para masikwat ang dalawang ginto, tatlong pilak at dalawang tansong medalya at matulungan ang LSGH na masiguro ang ikalawang sunod na overall championship crown sa boys’ division.
Naging malaki ang ambag ni Mojdeh para makuha ng LSGH squad ang gintong medalya sa 4x50m medley at 4x100m medley.
Humirit din si Mojdeh ng pilak sa 200m breaststroke, 200m backstroke at 200m butterfly habang may tanso ito sa 400m freestyle at 400m Individual medley.
Sa kaniyang ikalawang taon sa NCAA, maraming natutunan si Mojdeh na madadala nito sa kaniyang mga susunod na kumpetisyon.
“I want to take everything I’ve learned from these four days of NCAA, work closely with my coaches, and figure out how to improve with every race. I know there are things I need to fix, whether it’s my pacing, race strategies, or even the small details that can make a big difference,” ani Mojdeh.
Umaasa si Mojdeh na mas magiging maganda ang ratsada nito sa oras na muli itong tumuntong sa NCAA sa susunod na taon.
“I also know that pushing myself doesn’t always mean training harder. Sometimes, it means knowing when to recover, listening to my body, and making sure I’m ready for the next challenge,” aniya.
- Latest



















