Chicago Bulls sinuwag Timberwolves

MINNEAPOLIS — Kumamada si Norman Powell ng 23 points, habang may 18 markers si Matas Buzelis sa 117-106 pagsuwag ng Chicago Bulls sa Minnesota Timberwolves.
Nagdagdag sina Buddy Hield at Tre Jones ng tig-16 points mula sa bench para sa Bulls (3-9) na tinapos ang five-game winning streak ng Timberwolves (9-4).
Na-delay ang pagbiyahe ng Chicago team sa Minneapolis dahil sa nationwide ground stop na nakaapekto sa mga flights sa buong bansa.
Hindi na nakapagpahinga ang Bulls, nagmula sa panalo sa Atlanta Hawks, at kaagad sinagupa ang Timberwolves.
Hindi naglaro para sa Chicago sina rookie Caleb Wilson (fractured hand), Jalen Smith (hand injury) at center Nic Claxton (hamstring injury).
Nalimitahan ang Minnesota sa 17 points sa first quarter, ang kanilang lowest-scoring quarter sa season.
Bigo rin silang makaiskor ng 110 points sa unang pagkakataon ngayong season.
Umiskor si guard Ayo Dosunmu ng team-high 24 points at may 19 markers si LaMelo Ball.
Sa iba pang laro, panalo ang Denver Nuggets sa New Orleans Pelicans, 116-108; tinuhog ng Cleveland Cavaliers ang Dallas Mavericks, 127-117; sinunog ng Miami Heat ang Detroit Pistons, 137-117; at pinapak ng Memphis Grizzlies ang Brooklyn Nets, 129-110.
- Latest



















