^

PM Sports

Boatwright makakapagsuot na ng Gilas jersey

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Makakalaro na si naturalized player Bennie Boatwright kasama ang Gilas Pilipinas sa mga international tournaments.

Inihayag ni Gilas coach Tim Cone ang magandang balita kung saan inaasahang masisilayan si Boatwright sa fifth window ng FIBA World Cup 2027 Asian Qualifiers.

Aarangkada ang qualifiers sa Kuala Lumpur sa Malaysia.

Kasalukuyang naglalaro si Boatwright para sa Fujian Sturgeons sa Chinese Basketball Association.

Binigyan ito ng go signal na makapaglaro sa FIBA window kung saan makakasama nito ang Gilas sa Nob­yembre 23.

Malaking tulong si Boatwright lalo pa’t hindi pa naglalaro si naturalized player Justin Brownlee dahil sa iniinda nitong injury.

Kaya naman inaasahang mas lalong lalakas ang Gilas Pilipinas sa oras na umarangkada ito sa dalawang krusyal na laro sa fifth window.

Unang makakalaban ng Gilas ang Syria sa Nobyembre 27 kasunod ang Iran sa Nobyembre 30.

Kailangan ng Gilas Pilipinas na makalikom ng panalo upang umangat sa standings sa Group E.

Hawak ng Gilas ang 4-4 rekord para sa ikalimang puwesto habang nangunguna ang Australia na may malinis na 8-0 marka. Pumapangalawa ang New Zealand na may 6-2 kartada kasunod ang Iran at Jordan na may parehong 5-3 rekord.

GILAS PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with