^

PM Sports

Dyip nagpalakas sa quartefinals

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Dyip nagpalakas sa quartefinals
Terrafirma Dyip's Jerrick Ahanmisi
PBA Images

MANILA, Philippines —  Kumakawag-kawag pa sa playoffs ang Terrafirma matapos gulungan ang sibak na sa kontensyon na Macau, 102-84, sa PBA Season 50 Commissioner’s Cup kahapon sa Ninoy Aquino Stadium.

Pambihirang 24-7 ratsada ang sinakyan ng Dyip sa fourth quarter upang magpumiglas sa makulit na Black Knights at maputol ang 6 na sunod na kabiguan nito tungo sa 4-6 kartada.

Matatandaang mainit ang naging simula ng Terrafirma nang maging sorpresang lider ng 13-team league sa 3-0 baraha bago sumadsad sa dikit-dikit na kabiguan na nagpalabo sa tsansa nila sa playoffs.

Subalit hindi kontra sa guest team na Black Knights upang buhayin ang pag-asa nito sa pa­ngunguna ng 29 puntos ni Jerrick A­hanmisi sa 3 tres at 1 4-point shot sahog pa ang 8 assists.

“Just getting this W (win) keeps our hopes alive, and hopefully our team believes that we can still make the playoffs,” sabi ni Ahanmisi

Tumabo naman si Mubashar Ali ng 24 puntos at 16 rebounds na double-double kasama na ang 5 assists at 2 tapal.

May kontribusyon namang tig-12 puntos sina No. 1 rookie pick Geo Chiu at JM Bravo habang may 9 na puntos din si Maverick Ahanmisi.

Halos magkabuhol ang Terrafirma at Macau sa u­nang 3 quarters tampok ang ga-hibla lang na bentahe ng Dyip, 78-77.

At doon na umalagwa ang mga bataan ni coach Ronald Tubig nang simulan ang 4th quarter sa 8-0 birada para makapagtayo ng 86-77 at hindi na prumeno nang pagkasyahin lang sa 7 puntos ang Black Knights tungo sa tagum­pay.

Kapos ang 27, 22, 13 at 10 puntos nina Ramon Cao, Tony Mitchell, Phoenix Cardena Shackelford at Jenning Leung, ayon sa pagkakasunod, para sa dayong Macau sadsad sa 2-9 kartada at matagal nang tanggal sa kontensyon sa playoffs.

DYIP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with