De Jesus sasali sa WNBA Draft
MANILA, Philippines — Magpapartisipa si Gilas Women point guard Filipino-American Vanessa de Jesus sa WNBA Draft na gaganapin sa Lunes (Martes sa Maynila) sa The Shed at Hudson Yards sa New York.
Inihayag ni De Jesus ang pagsalang nito sa WNBA Draft sa kanyang social media account.
“Help me Jesus,” ani De Jesus sa kanyang post sa Instagram.
Nasa larawan ang isang infographic na nagkukumpirma ng kanyang pagsabak sa draft.
Kaliwa’t kanan ang magagandang mensaheng natanggap ni De Jesus mula sa kanyang mga kaibigan at mga teammates na proud sa kanya.
Si De Jesus ay bahagi ng Gilas Pilipinas Women na sumasabak sa mga iba’t ibang FIBA international competitions.
Naglaro rin si De Jesus para sa Duke at Notre Dame sa US NCAA women’s basketball.
Sa paglalaro nito sa Notre Dame Fighting Irish, nagtala si De Jesus ng averages na 8.4 points, 2.8 rebounds, 2.7 assists, 1.8 steals, at 0.2 blocks.
Naglaro rin si De Jesus sa Duke Blue Devils kung saan nagkaroon ito ng tsansang maging kampeon sa NCAA.
Si De Jesus ay 24-anyos na may taas na 5-foot-8.
- Latest






















