Milestone
Sobrang alagwa na ang San Miguel Beer sa mga kalaban sa paramihan ng kampeonato sa PBA.
Championship banner No. 31 ang ibinulsa ng mga Beermen sa kanilang series-clinching 92-77 Game 6 victory kontra TNT Tropang 5G noong nakaraang gabi sa MOA Arena.
Ito ang kanilang 12th All-Filipino crown at pang-walong Philippine Cup diadem sa kanilang dynastic run sa kapanahunan ni June Mar Fajardo.
Pero gaya ng mga naunang kampeonato, may kakaibang samyo ang latest championship.
Para kay San Miguel Beer team governor Robert Non, malaking milestone ito, considering crown jewel sa 50th PBA season celebration.
Siguradong matatanim ito sa isipan ng koponan, at magpapaliyab ng hangarin mag back-to-back sa parating na Commissioner’s Cup.
At kung makuha rin ang second conference, siguradong mainit na hahabulin ng Beermen ang Season 50 Grand Slam.
May 11 championships ang Beermen sa JMF era. Grand Slam ang nag-iisang bagay na hindi pa nakukuha nina The Kraken at mga kasama.
Kaya’t ang malaking assignment para kay coach Leo Austria eh maghanap ng import na swak ang blending sa kanyang koponan.
Isang buwan mahigit ang kanilang turnaround preparation para sa Commissioner’s Cup na sisipa sa March 11.
Kasama sa magiging balakid sa kanilang back-to-back aspiration eh ang Macau Black Bears.
Ang motto para sa Beermen: Stay hungry.
- Latest























