^

PM Sports

FEU sinuwag Ateneo, pasok sa SSL semis

Elech Dawa - Pang-masa
FEU sinuwag Ateneo, pasok sa SSL semis
Bumangis ang Lady Tamaraws nang matisod sila sa second set, agad na bumangon upang hatawin ang panalo sa sets 3 at 4 para humakbang sa semifinals.
STAR / File

MANILA, Philippines — Nakakuha ng tiket sa Final Four ang Far Eastern University matapos nilang patalsikin ang Ateneo de Manila University, 25-18, 19-25, 25-15, 25-13 sa quarterfinals ng 2026 Shakey’s Super League (SSL) Unity Cup na nilaro sa Muntinlupa Sports Center  kahapon.

Bumangis ang Lady Tamaraws nang matisod sila sa second set, agad na bumangon upang hatawin ang panalo sa sets 3 at 4 para humakbang sa semifinals.

Makakaharap ng FEU ang mananalo sa quarterfinals match sa pagitan ng may twice-to-beat advantage na University of Santo Tomas at College of Saint Benilde, na kasalukuyan pang naglalaro habang isinusulat ito sa Final Four sa Nobyembre 21 sa Ninoy Aquino Stadium.

Pinangunahan ni Cla Loresco ang opensa para sa Lady Tams na may 15 puntos mula sa 10 spikes, apat na blocks, at isang service ace.

“Nu’ng first set and se­cond set, masyadong marami ang errors namin. Siguro nadala rin kami na mababa ang emosyon namin,” sabi ng middle blocker ng FEU na si Loresco.

Samantala, nagsanib puwersa sina Frances Mordi at Shaina Nitura upang akbayan ang Adamson University sa panalo matapos walisin sa tatlong sets ang may tangan na twice-to-beat advantage na University of the Philippines, 25-20, 25-17, 26-24, sa unang laro.

Nagtala ng krusyal na pinagsamang 15 puntos sina Mordi at Nitura sa third set upang ihirit ang Lady Falcons ng rubber match at manatiling buhay ang tsansa sa asam na korona.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with