PVL AFC magiging maigting
MANILA, Philippines — Sa pagkawala ng Petro Gazz at Chery Tiggo ay inaasahang mas titindi ang bakbakan ng natitirang 10 koponan para sa korona ng darating na 2026 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference.
Ito ang sinabi kahapon ni PVL Control Committee chairman Sherwin Malonzo sa press conference.
“Two teams had to take a leave, and the talents from those squads were evenly distributed among the remaining 10 teams,” ani Malonzo. “Given that distribution, we expect the road to the finals won’t be a walk in the park for any team.”
Nagsumite ng leave of absence ang Gazz Angels, habang tumiwalag naman ang Crossovers.
Dahil dito ay nagpunta sa iba’t ibang PVL teams ang mga players ng Petro Gazz at Chery Tiggo.
Ang Nxled Chameleons ang lumakas nang husto matapos makuha sina three-time PVL MVP Brooke Van Sickle, two-time MVP Myla Pablo at two-time Finals MVP MJ Phillips mula sa Gazz Angels.
Nasa Nxled team na rin sina Jules Tolentino, Jonah Sabete, Djanel Cheng, Nicole Tiamzon, Bang Pineda, Ranya Musa, AA Adolfo, and Jellie Tempiatura, Aduke Ogunsanya, Aby Maraño at Joyme Cagande.
Papalo ang 2026 PVL AFC sa Sabado tampok ang laban ng Cignal at Galeries Tower sa alas-4 ng hapon kasunod ang salpukan ng Choco Mucho at Akari sa alas-6:30 ng gabi sa FilOil Centre sa San Juan City.
- Latest

















