Vekic nagkumpirma na lalaro sa PWO
MANILA, Philippines — Nagkumpirma ng paglahok si Paris 2024 Olympics silver medalist Donna Vekic sa WTA 125 Philippine Women’s Open na hahataw sa Enero 26 hanggang 31 sa maalamat na Rizal Memorial Tennis Center sa Manila City.
Sa panayam ng Sports Radio kahapon ay sinabi ni Philippine Lawn Tennis Association (PHILTA) exe?utive director at PWO co-tournament Director Tonette Mendoza na sasalang si Vekic sa nasabing torneo.
Ito ay matapos na rin ang opening round loss ng Croatian netter kay Mirra Andreeva, 6-4, 3-6, 0-6, sa 2026 Australian Open.
Ang World No. 72 na si Vekic ay tinalo ni Pinay tennis sensation Alex Eala sa nakaraang exhibition match sa Kooyong Classic para sa Evonne Goolagong Cawley Trophy.
Kagaya ni Vekic ay minalas din ang 20-anyos na si Eala, ang World No. 49 player, sa first round match niya kay American Alycia Parks, 6-0, 3-6, 2-6, sa kanyang Australian Open debut.
Hinihintay pa ang kumpirmasyon ni Eala kung lalaro sa PWO kung saan siya nabigyan ng wildcard sa main draw kasama sina Tenny Madis at Stefi Aludo.
Inaasahang lalahok din sa PWO sina World No. 42 Tatjana Maria ng Germany, No. 46 Wang Xinyu ng China, No. 59 Janice Tjen ng Indonesia, No. 63 Solana Sierra ng Argentina, No. 76 Kimberly Birrell ng Australia at No. 84 Camila Osorio ng Colombia.
- Latest




















