^

PM Sports

POC paghahandaan ang 2 international events

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tututukan ng Philippine Olympic Committee (POC) ang pagtataguyod ng dalawang malaking international events na idaraos sa bansa sa huling bahagi ng 2027 at unang bahagi ng 2028.

Kasama sa listahan ang kauna-unahang Southeast Asian Plus Youth Games o SEA Plus YG na gaganapin sa huling bahagi ng 2027.

Inihayag din ni POC president Abraham “Bambol” To­lentino na mayroong Asian Beach Games sa kalendaryo.

Matapos ang pakikipag-ugnayan sa Olympic Council of Asia (OCA), ang bansa ay magho-host ng SEA Plus YG sa huling bahagi ng 2027 sa halip na sa unang bahagi ng 2028, ayon kay Tolentino.

Ang ABG, ayon sa POC chief, ay gagawin naman sa unang bahagi ng 2028 ngunit hindi niya inihayag ang venue.

“The Asian Beach Games will have its third edition this April in Sanya (China), so it will be two years after when we host the games in 2028,” ani Tolentino.

Sinabi niya na ang dalawang international hosting ay tumutugma sa mas pinalakas na sports tourism campaign ng Philippine Sports Commission (PSC) sa pamamagitan ng chairman nitong si Patrick “Pato” Gregorio.

“We will submit both letters (of intent) to the OCA before its General Assembly later this month in Tashkent. It’s a mere formality. After getting the official approval from the OCA, we’ll immediately be proposing to the PSC on hosting both events,” dagdag ni Tolentino.

Ang POC at PSC ay nasa iisang pahina sa sports tou­rism campaign kasama si Pangulong Bongbong Marcos, Jr. na bumuo noong nakaraang taon ng National Sports Tourism Inter-Agency Committee (NST-IAC) na pinamumunuan ni Gregorio.

“These coming international events fit well with the goal of the NST-IAC and we at the POC are remaining pro-active on these efforts,” sabi ni Tolentino, presidente rin ng national federation na PhilCycling.

Sinabi ni Tolentino na mataas ang inaasahan sa partisipasyon ng mga atletang Pilipino sa Milano-Cortina Winter Olympics sa susunod na buwan pati na rin sa Sanya ABG sa Abril 22 hanggang 30.

Kasama rin sa kalendaryo ng POC ang Nagoya Asian Games sa Setyembre at Jeddah Asian Indoor and Martial Arts Games.

Ang SEA Plus YG ay dinisenyo para sa mga atletang may edad 17-anyos pababa na maglalaban sa dalawang mandatory sports, maximum na 12 Olympic sports, maximum na limang Asian non-Olympic sports at isang tradis­yunal na sport na may hanggang anim na medal event.

Si Tolentino ay ang founding president ng SEA Plus YG na may mga miyembro na Thailand, Indonesia, Malaysia, Laos, Cambodia, Myanmar, Vietnam at Timor Leste.

Ang “Plus” ay tumutukoy sa hindi bababa sa isang imbitadong Asian NOC sa ibang sub-rehiyon ng Asya para sa bawat edisyon ng Games upang magbigay ng karagdagang kompetisyon para sa grassroots ng rehiyon.

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with