^

PM Sports

E-Painters target ang ika-2 panalo sa Bahrain

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Magtatangka ang Rain or Shine na walisin ang 2 laro nito sa overseas kontra sa Barangay Ginebra sa pagpapatuloy ng PBA Season 50 Philippine Cup ngayon sa Khalifa Sports City Stadium sa Bahrain.

Kikilatisin ng lider na Elasto Painters (8-2) ang Gin Kings (5-4) sa alas-11:55 ng gabi sa Middle East sa pagkatapos ng iba pang laban dito sa Pilipinas naman tampok ang reig­ning champion San Miguel (7-2) kontra sa Terrafirma (1-9) sa alas-5:15 ng hapon pati ng Converge (6-4) at NLEX (6-4) sa alas-7:30 ng gabi.

Kagagaling lang ng ROS sa 101-92 panalo kontra sa Magnolia kahapon ng madaling araw para sa unang laban sa Bahrain bilang bahagi ng patuloy na selebrasyon ng 50th golden anniversary ng PBA.

Nauna nang naglaro ang PBA sa Dubai, United Arab Emirates noong Oktubre tampok ang 83-81 panalo ng SMB kontra sa Ginebra habang may plano sa susunod na taon sa Abu Dhabi, Doha, Qatar at New York City sa Amerika.

Dahil sa panalo ng ROS sa Magnolia ay sigurado na ito sa Top 4 para sa unang twice-to-beat advantage sa quarterfinals pero gustong makalapit sa No. 1 seed para sa momentum sa playoffs.

Ito ay kahit pa nag-aabang sa kanila ang gutom na Gin Kings na sa kabilang banda ay nais makasiguro ng quarterfinal ticket at mapanatiling buhay ang pag-asa sa Top 4.

Tatlo nalang ang upuan sa Top 4 na pag-aagawan ngayon ng SMB, NLEX, Converge, Magnolia, TNT (6-3), Meralco (5-4) at Ginebra. Buhay pa sa playoffs ang Titan Ultra (4-6) subalit masisibak na kontensyon kung manalo ang Ginebra upang samahan sa bakasyon ang Terrafirma (1-9), Blackwater (1-9) at Phoenix (3-8).

ELASTO PAINTERS

NLEX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with