^

PM Sports

Baldwin malaki ang tiwala kay Bahay

Elech Dawa - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ipinagkakatiwala ni Ateneo head coach Tab Baldwin kay Jared Bahay ang pagmamando sa loob ng playing court sa UAAP Season 88 men’s basketball tournament.

Sinasabihan ni Baldwin ang kanyang batang guard na bataan na mag-focus sa pagiging floor general upang magampanan nito ng maganda ang kanyang tungkulin na itaguyod ang Katipunan-based squad.

Ang 5-foot-9 na si Bahay ang main guy ng Blue Eagles, may average itong 10.6 points, 3.9 assists at 2.9 rebounds per game nakaraang season kung saan ay tumapos sila ng 4-10 win-loss record.

Ayon kay Baldwin, mahusay na leader si Bahay kailangan lang itong magabayan upang mas mailabas ang kanyang talento.

“In terms of being a leader, he’s a natural to that, and he is accepted by the players,” ani Baldwin, “I challenge him to lead the team better, and to really settle into a role of a point guard who is a coach on the floor.”

Wala na sa line up ng Ateneo ang senior players na sina Sean Quitevis at Chris Koon, kaya malaking tungkulin ang naka-atang kay Bahay para maipanalo ang Blue Eagles.

Samantala, makakaharap ng Ateneo ang Far Eastern University sa Sabado sa ala-1 ng hapon sa UST Quadricentennial Pavilion sa Manila, magkatapat naman sa pa­ngalawang laro sa alas-4:30 ng hapon ang last year’s runner-up De La Salle University at Adamson University.

JARED BAHAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with