^

PM Sports

Cignal, Chery Tiggo nakatutok sa finals

Russell Cadayona - Pang-masa
Cignal, Chery Tiggo nakatutok sa finals
Erika Santos

MANILA, Philippines — Isa lamang sa Cignal HD at Chery Tiggo ang pa­pasok sa finals ng 2025 Premier Volleyball League (PVL) on Tour.

Paglalabanan ng HD Spikers at Crossovers ang finals berth sa kanilang knockout semifinals game ngayong alas-4 ng hapon sa Smart Araneta Colise­um.

Ito rin ang parehong ha­­ngad ng PLDT High Speed Hitters at Creamline Cool Smashers sa kanilang du­welo sa ikalawang laro sa alas-6:30 ng gabi.

Sa kanilang pagsampa sa semifinals ay nabigyan ang Cignal, Chery Tiggo, PLDT at Creamline ng ti­­ket para sa PVL Invita­tional Conference na magsisimula sa Agosto 19.

Dalawa pang foreign guest teams ang makakaharap nila sa min-tournament na idaraos sa PhilSports Arena sa Pasig City.

Winalis ng HD Spikers ang Akari Chargers, 25-20, 25-11, 28-26, habang pi­natalsik ng Crossovers ang Nxled Chameleons, 25-17, 25-15, 25-20, para itakda ang kanilang semis showdown.

Muling aasahan ng Cig­nal sina Erika Santos, Roselyn Doria, Tin Tiamzon, Jackie Acuña, setter Gel Cayuna at rookies Erin Pangilinan at Jessa Or­diales.

Nagmula si Santos sa PLDT kung saan siya nag­laro ng apat na taon.

“Alam ko kasi kung ano pa ‘yung kaya niyang gawin — even before pa. Kaya sabi ko sa sarili ko, tutulungan ko siya at ibibigay ko ‘yung best ko, kung ano ‘yung binibigay ko kina Gel at sa buong team,” sabi ni coach Shaq de­los Santos sa dating La Salle Lady Spikers star.

Itatapat ng Chery Tiggo sina Ara Galang, Cess Robles, Aby Maraño Imee Hernandez at rookies Renee Peñafiel at Jyne So­reno.

Sa kanilang unang pagtutuos sa pool play noong Hulyo 19 ay pinabagsak ng Crossovers ang HD Spi­kers, 25-13, 26-28, 25-15, 25-15.

Itinakda ang one-game championship match sa Linggo sa MOA Arena sa Pasay City.

Matapos ito ay sisimulan ang PVL Invita­tional Confe­rence.

 

CHERY TIGGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with