^

PM Sports

Kevin Quiambao balik Gilas na

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sumalang na sa ensayo si Kevin Quiambao kasama ang Gilas Pilipinas na naghahanda para sa FIBA Asia Cup na idaraos sa susunod na buwan sa Jeddah, Saudi Arabia.

Sariwa pa si Quiambao sa matinding training camp sa Amerika kasama ang mahuhusay na NBA coaches at trainers doon.

Kaya naman kundisyon na kundisyon ang dating UAAP MVP na magiging malaking tulong para sa Gilas Pilipinas na naghahanda sa FIBA Asia Cup.

Kinumpirma ni Gilas Pilipinas team manager R­ichard Del Rosario sa isang ulat ang pagbabalik-ensayo ni Quiambao noong Lunes sa Upper Deck gym sa Pasig City.

Maraming natutunan si Quiambao sa iba’t ibang training camps na dinaluhan nito sa Amerika na madadala nito sa Gilas Pilipinas.

Malaki ang magiging ambag ni Quiambao para tulungan ang Gilas pool.

Kasama nito sina naturalized player Justin Brownlee at Filipino-American AJ Edu.

Nasa ensayo na rin sina Scottie Thompson, Chris Newsome, Jamie Malonzo, Japeth Aguilar, Troy Rosario at RJ Abarrientos gayundin sina Dwight Ramos at Carl Tamayo.

Inaasahang makakasama na rin sa training camp si Rhenz Abando na galing sa matagumpay na kampanya kasama ang Strong Group Athletics sa William Jones Cup sa Taipei, Taiwan.

Hinihintay na lamang na matapos ang PBA Philippine Cup finals para makasama na rin sina June Mar Fajardo ng San Miguel Beer at Calvin Oftana ng Talk ’N Text.

Lalarga ngayong araw ang Game 5 ng best-of-seven championship series sa pagitan ng Beermen at Tropang 5G.

KEVIN QUIAMBAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with