^

PM Sports

Petro Gazz sa finals

Russell Cadayona - Pang-masa
Petro Gazz sa finals
Umere si Petro Gazz star Myla Pablo para hatawan si Mich Cobb ng Akari.
PVL photo

Sasagupa sa Creamline

MANILA, Philippines — Opisyal nang inangkin ng Petro Gazz ang unang finals ticket matapos walisin ang Akari, 25-22, 25-20, 25-18, sa 2024-25 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Kinumpleto ng Gazz Angels ang 3-0 sweep sa single-round robin semis papasok sa kanilang ikaanim na finals stint target ang ikatlong korona.

Huling naglaro ang tropa ni Japanese coach Koji Tsuzurabara sa PVL Finals noong 2023 1st All-Filipino Conference kung saan sila tinalo ng Creamline sa deci­ding Game Three.

Muling makakasagupa ng Gazz Angels sa PVL AFC Finals ang Creamline Cool Smashers na dinomina ang utol na Choco Mucho Flying Titans, 25-19, 25-15, 25-15, sa ikalawang laro.

Ito ang pang-pitong sunod na finals appearance ng Creamline at asam ang ‘five-peat’ para sa kabuuang ika-11 titulo.

“Sobrang happy at nasa finals na kami ngayon kasi sa last two conferences medyo nawala kami,” ani Myla Pablo na nagtala ng 16 points mula sa 11 attacks, apat na blocks at isang ace. “Pero siyempre, hindi pa tapos ang laban.”

Magsisimula ang best-of-three championship series sa Martes sa Big Dome.

Nauna nang pinadapa ng Petro Gazz ang Creamline at Choco Mucho bago isinunod ang Akari.

Nagdagdag si Fil-Am Brooke Van Sickle ng 15 mar­kers habang may siyam na puntos si Fil-Am MJ Phillips at may 12 excellent sets si Chie Saet.

VOLLEYBALL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->