Gin Kings sasagupa sa FiberXers sa q’finals

MANILA, Philippines — Kasado na ang quarterfinals ng 2025 PBA Philippine Cup matapos sikwatin ng Barangay Ginebra ang huling twice-to-beat advantage.
Naselyuhan ng Gin Kings ang ikaapat na puwesto nang umiskor ng 98-80 panalo kamakalawa ng gabi sa Ynares Sports Center sa Anitpolo kontra sa Rain or Shine na naghahangad rin sana ng naturang insentibo.
Nagtapos sa 8-3 kartada ang Ginebra sa likod ng San Miguel, Magnolia at NLEX na pare-pareho rin ang baraha at nagkatalo lang sa quotient.
Kumpara sa Commissioner’s Cup at Govenors’ Cup na Top 2 lang ang may pabuya, Top 4 sa Philippine Cup kaya kailangan lang ng naturang 4 na koponan na manalo ng isang beses kontra sa mga karibal sa quarterfinals.
Makakaharap ng No. 1 na SMB ang reigning champion subalit No. 8 seed lang na Meralco sa maaga nilang rematch matapos magharap sa finals noong nakaraang season.
Bakbakan naman ang No. 2 na NLEX at No. 7 na Rain or Shine, duwelo ang No. 3 Magnolia at No. 7 na Talk ‘N Text (No.7) habang magpapangbuno ang No. 4. na Ginebra at No. 5 na Converge.
Unang sasalang ang Road Warriors at Elasto Painters bukas ng alas-5 ng hapon bago ang laban sa pagitan ng Hotshots at Tropang Giga sa alas-7:30 ng gabi sa PhilSports Arena sa Pasig.
Susunod naman sa Biyernes ang bakbakang Beermen-Bolts sa alas-5 ng hapon at Gin Kings-FiberXers sa alas-7:30 ng gabi sa Ninoy Aquino Stadium sa Maynila.
- Latest