Pacers, Thunder agawan sa 3-2 lead

OKLAHOMA CITY — Ang paglapit sa korona ang gagawin ng Indiana Pacers at Thunder sa krusyal na Game 5 ng NBA Finals.
Bigo ang Indiana na makadikit sa inaasam na kauna-unahang titulo matapos agawin ng Oklahoma City ang 111-104 panalo sa Game 4 para itabla sa 2-2 ang kanilang best-of-seven championship series.
“I do not care, to be honest with you,” ani Pacers star Tyrese Haliburton sa mababang viewership ng kanilang giyera ng Thunder. “This is high-level basketball and I’m excited to be a part of it.”
Tampok sa pagtakas ng Indiana sa Game 1 ang game-winning jumper ni Haliburton, habang nakatabla ang Oklahoma City sa Game 2 dahil sa pagkontrol sa laro.
Sa Game 3 humugot ang Pacers ng produksyon sa kanilang bench para sa 2-1 lead sa serye bago nakabawi ang Thunder sa Game 4 sa likod ng 15 points ni NBA MVP Shai Gilgeous-Alexander sa huling limang minuto ng fourth quarter.
“I think above all, it’s been very fun,” ani Gilgeous-Alexander sa kanyang unang NBA Finals. “It’s been everything I dreamt it to be growing up. There’s no other place in the world I’d rather be, and I’m grateful to be here. Thankful for the experience, for sure.”
Kumpiyansa si Indiana center Myles Turner na tatalunin nila ang OKC para makuha ang 3-2 bentahe sa serye.
“We play better with our backs against the wall,” wika ni Turner.
“Adversity is something that’s going to bring out the best in you. I think that’s really what it is, is just a response. ... When your back is against the wall, that’s typically where we get our best basketball,” dagdag ni Turner
Gusto ng Pacers na bitbit ang malaking 3-2 lead sa kanilang pag-uwi sa Indianapolis para sa tsansang tapusin ang Thunder sa balwarte nila.
“We are both two games away,” wika ni Haliburton. “Anything can happen here.”
- Latest