Matuling angat ni Nocum
May bagong manlalaro na naman na nabigyan ni coach Yeng Guiao ng opportunity na ipakita ang kakayahan sa playing court.
At dahil niyakap ang oportunidad at sinuklian ang tiwala ni coach Yeng, maagang lumipad ang kanyang PBA career.
Bigla ang paglutang ni Adrian Nocum bilang isa sa mga pangunahing kamador ng Rain or Shine, samantalang masasabing bahagyang above average lang ang kanyang estado sa collegiate at sa MPBL.
Sa kanyang final year sa Mapua noong NCAA Season 98, tumikada lang siya ng 9.94 points per game. Nang i-waived niya ang kanyang collegiate eligibility upang lumaro sa San Juan Knights sa MPBL, nag-deliver siya ng 11.8 points per outing.
Sa kanyang rookie year last PBA season, nagpaliyab siya ng personal game-high 29 points at nagtala rin ng 28-point, seven-rebound, six-assist huling performance.
At nagtuloy na ang kanyang pamamayagpag.
“Sabi ko ituluy-tuloy mo lang, someday pwede kang maging MVP. Naniwala ata,” biro ni coach Yeng sa isang post-game presser.
Isa si Nocum ngayon sa pinaka-exciting PBA players.
Malaki ang ambag niya sa pakikipagdikdikan nila sa TNT sa kanilang semis series.
Malaking susi siya na finally naka-isa noong Linggo, at naiwasan mahulog sa 0-3 hole.
- Latest