Northport kinalawang
Hindi naging problema sa Barangay Ginebra ang kawalan ng matinong ensayo bago sumalang sa PBA Season 49 Commissioner’s Cup semifinals.
Ang NorthPort ang kinalawang sa mahabang break, at nalugmok sa malaking talo, 115-93, sa opener ng kanilang best-of-seven series.
Tuesday morning lumapag ang eroplano ng Gilas Pilipinas mula sa Auckland, New Zealand.
Ibig sabihin, talagang hindi nagkaroon ng matinong pagsasama-sama ang mga Gin Kings bago ang Game One.
Yun nga lamang, kasama ni coach Tim Cone sa byahe ang kanyang core players na sina Justin Brownlee, Scottie Thompson, Jamie Malonzo, Troy Rosario at Japeth Aguilar.
Ang tanging Ginebra core rotation members na naiwan sa Manila eh sina RJ Abarrientos at Stephen Holt.
Pero dahil pare-parehong smart, intelligent players, madaling nagkonekta, at sama-samang tumulong sa paghugot ng dominant win sa unang sultada ng serye.
Ang tanong eh ano ang mga bagay na ginawa ng NorthPort sa nagdaang dalawang linggo.
Baka naman nagpabandying-bandying. Bakit kinalawang ang elims top notcher na ngayon eh playoffs top seed.
Sa kabilang serye, kita ang kahandaan ng magkalabang koponan – TNT at Rain or Shine.
Kita rin syempre ang kahandaan ng Ginebra.
- Latest