^

PM Sports

Dolorito, Doguna binuhat ang Lyceum

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagtulungan sa opensa sina Johna Denise Dolorito at Joan Doguna upang pabagsakin ng Lyceum ang Mapua University, 25-16, 25-15, 27-29, 23-25, 15-10 sa limang sets sa NCAA Season 100 wo­men’s volleyball tournament na nilaro sa FilOil Arena sa San Juan kahapon.

Kumana si Dolorito ng 24 points habang 23 ang tinikada ni Doguna mula sa 19 attacks at apat na service aces upang tulungan ang Lady Pirates na ilista ang 6-6 karta at manati­ling malakas ang tsansa sa asam na makapasok sa magic four.

Nasa pang-pitong puwesto ng team standings ang Intramuros-based squad at dahil may-anim na laro pa sila ay puwede pa silang makahabol sa top two pagkatapos ng 10-team double round robin eliminations.

Mabibiyayaan ang Nos. 1 at 2 ng twice-to-beat advantage sa semifinals kaya asahang itotodo ulit ng Lady Pirates ang kanilang lakas sa susunod nilang laro kontra Letran sa Biyernes ng alas-2:30 ng hapon sa parehong lugar.

Nag-ambag din sa opensa para sa LPU sina Ashley Muchilla, Hiromi Osada at Heart Bio na nilista ang 15, 14 at 8, ayon sa pagkakasunod.

Bumanat ng 16 mar­kers si Freighanne S­eanelle Garcia kasama ang 13 kills at tatlong service aces pero hindi sapat para ipanalo ang Lady Cardinals na nalasap ang pang limang talo

Naka-upo sa fifth place ang Mapua na pagkakataong makabangon pagharap nila sa University of Perpetual Help System DALTA sa alas-11 ng umaga.

Samantala, nagpakitang gilas sa opensa si Gia Marcel Maquilang matapos nitong akbayan ang Letran sa tuktok ng liderato nang kalusin ang Emilio Aguinaldo College 25-21, 25-20, 25-18 sa unang laro.

Bumira si Maquilang ng 13 points lahat galing sa attacks para tulungan ang Lady Knights na tuhugin ang 10-2 card at masolo ang unahan sa team stan­dings.

NCAA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with