^

PM Sports

KQ hataw sa KBL

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patuloy ang matikas na inilalaro ni dating De La Salle University standout Kevin Quiambao nang magtarak ito ng 26 points sa Korean Basketball League (KBL).

Nagpamalas ang two-time UAAP MVP ng solidong laro kung saan pinakawalan nito ang anim na three-pointers habang humatak ito ng 18 rebounds, tatlong assists at isang steal.

Ngunit hindi pa rin ito sapat para dalhin sa panalo ang Goyang Sono Skygunners na yumuko sa Seoul Samsung Thunders sa iskor na 63-77 sa larong ginanap sa Jamsil Indoor Gymnasium.

Matikas ang inilalaro ni Quiambao na nagtala ng career-high 36 points sa kanilang 86-82 panalo laban sa Wonju DB Promy noong nakaraang linggo.

Umangat sa 12-24 ang Thunders.

Sa kabilang banda, wagi ang tropa ni SJ Belangel na Daegu KOGAS Pegasus kontra sa Ulsan Hyundai Mobis Phoebus sa iskor na 94-85 sa larong ginanap naman sa Ulsan Dongcheon Gymnasium.

Naramdaman ang lakas ni Gutang na nagsumite ng 10 puntos, siyam na assists, apat na rebounds at tatlong steals para sa Daegu na sumulong sa 20-16 marka.

KOREAN BASKETBALL LEAGUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with