^

PM Sports

Rockets pinasabog ng Heat

Pang-masa
Rockets pinasabog ng Heat

HOUSTON — Kumamada si Tyler Herro ng 27 points bago napatalsik sa dulo ng fourth period sa 104-100 pagsunog ng Miami Heat sa Rockets.

Ibinalibag sa sahig si Herro ni Amen Thompson ng Houston sa huling 35 segundo ng fourth quarter kung saan tangan ng Miami ang 99-94 bentahe.

Nagsuguran sa loob ng court ang mga players at coaches ng Heat (16-14) at Rockets (21-11).

Kapwa pinatalsik sa laro sina Herro at Thompson kasama sina Houston guard Jalen Green, coach Ime Udoka at assistant coach Ben Sullivan at Mia­mi guard Terry Rozier.

Kinuha ng Rockets ang 92-85 matapos ang layup ni Fred VanVleet sa 8:10 ng laro bago naimintis ang 11 shots na sinamantala ng Heat para agawin ang five-point lead sa likod ni Herro.

Sinibak si VanVleet sa huling minuto ng bakbakan matapos banggain si re­feree Marc Davis matapos tawagan ng five-second violation.

Sa Minneapolis, umiskor si Donte DiVincenzo ng 26 points para akbayan ang Minnesota Timberwolves (17-14) sa 112-110 pagtakas sa San Antonio Spurs (16-16).

Sa Oklahoma City, nag­laglag si Shai Gilgeous-Alexander ng 35 points sa 130-106 pagmasaker ng Thunder (26-5) sa Memphis Grizzlies (22-11).

Sa Boston, naglista si Tyrese Haliburton ng 31 points para tulungan ang Indiana Pacers (16-17) sa 123-114 pagresbak sa nagdedepensang Celtics (23-9).

NBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with