Russell dinala ng Lakers sa Nets via trade
NEW YORK — Dinala ng Los Angeles Lakers sina point guard D’Angelo Russell, Maxwell Lewis at tatlo pang second-round picks sa Brooklyn Nets para makuha sina Dorian Finney-Smith at Shake Milton.
Ibinigay ng Lakers sa Nets ang kanilang mga second-round picks sa 2027, 2030 at 2031 para maplantsa ang nasabing trade.
Naglista si Russell, ang second overall pick sa 2015 draft, ng mga averages na 12.4 points, 2.8 rebounds at 4.7 assists para sa Los Angeles ngayong season. Magbabalik ang 28-anyos na point guard sa Brooklyn kung saan siya naglaro noong 2017-18 at 2018-19 seasons at nakamit ang nag-iisa niyang All-Star selection.
Kumamada naman ang 31-anyos na si Finney-Smith ng mga averages na 10.4 points at 4.6 rebounds per game para sa Nets ngayong season at kilalang isang high-level wing defender.
- Latest