^

PM Sports

Nirza sumikwat ng gold sa Palawan

Chris Co - Pang-masa
Nirza sumikwat ng gold sa Palawan
Si gold medalist Jamie Danielle Nirza.

MANILA, Philippines — Inilabas ni Jamie D­a­nielle Nirza ang kanyang husay at galing para ang­ki­nin ang gold medal sa women’s individual kata event ng 2024 Brunei Darussalam, Indonesia, Malaysia, Philippines - East ASEAN Growth Area (BIMP-EAGA) Friendship Games kahapon na ginanap sa NCCC Mall sa Puerto Princesa City, Palawan.

Naglista si Nirza ng 36.5 puntos para masiguro ang unang puwesto sa natu­rang event.

Ginapi ni Nirza si Malaysian Anisa Aira Nur na nagtala ng dikit na 36.2 puntos para magkasya lamang sa pilak na medalya.

“Sobrang saya ko po na nakuha ko yung gold dahil pinaghirapan ko po talaga ito. Nagawa ko yung gusto kong gawin sa execution,” ani Nirza.

Bigo naman si Nirza na makumpleto ang double gold matapos magkasya lamang sa pilak na medalya sa women’s team event.

Kasama ni Nirza sa PH squad sina Yesha Ho at Rhina Kawanao na nagsumite ng 34.6 puntos.

Subalit hindi ito sapat para makuha ang ginto matapos maglagak ang Malaysian squad ng 36.7 puntos na siyang umani ng gintong medalya.

Sa men’s division, nakahirit ng pilak na medalya si Arvin Jaydonn Santillan sa advance individual kata event.

Kumana pa ang Pilipinas ng dalawang ginto sa archery event mula kina Nathaniel Andrei Carlos (men’s individual recurve) at Yvonne Forcado (wo­men’s individual recurve).

Nakakuha si Carlos ng anim na puntos para masiguro ang ginto habang may anim na puntos din na naitala si Forcado para naman pagreynahan ang kanyang event.

JAMIE DANIELLE NIRZA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with