Manalo sasargo sa Qatar World Cup 10-Ball
MANILA, Philippines — Babalik sa pagtumbok si international snooker/billiards champion Marlon “Marvelous Captain” Manalo dahil lalahukan nito ang Qatar World Cup 10 Ball na magsisimula ngayong araw sa Ezdan Palace Hotel sa Doha, Qatar.
Paniguradong mapapalaban ng todo ang matagal ng hindi sumali sa tournaments na si Manalo sa event na nakataya ang $450,000 kabuuang pot prize tournament kung saan ang nanalo ay makakakuha ng lion share na $100,000.
Naging maningning ang career ni dating League of Barangays of the Philippines Press Relation Officer at ABC president, Manalo nang talunin niya sa malaking tournament sina pool legends Efren “Bata” Reyes at Francisco “Django” Bustamante sa knockout stage ng World Pool Championship noong 2004, kabilang sa pinasadsad niya ay si Yang Ching-shun ng Taiwan.
“I hope to do well in the upcoming tournament this year. I will pour all that I know in the cue sports,” ani Manalo na nagsilver medal sa snooker event sa likod ni eventual champion Bjorn Haneveer ng Belgium sa 2001 Akita, Japan World Games.
Nagpakitang gilas rin si Manalo sa 2000 Asian Snooker Champion at 2008 National Champion, pumasok sa semifinals ng parehong event bago yumuko sa nagkampeon na si Wu Chia-ching (Wu Jia-qing).
- Latest