^

PM Sports

FEU nakasilip pa ng pag-asa sa Final 4

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Humihinga pa ang Far Eastern University sa asam nilang umusad sa semifinals matapos suwagin ang 65-54 panalo kontra A­teneo de Manila University kahapon sa UAAP Season 87 collegiate men’s basketball tournament na nilaro sa Smart Araneta Coliseum.

Napaganda ng Blue Eagles ang kanilang karta sa 5-8, kailangan nilang maipanalo ang hu­ling natitirang laro upang manatiling may pag-asa na makahirit pa ng puwesto sa Final Four.

Solo sa tuktok ng team standings ang defending champions Salle na may 11-1 record, nasa pa­ngalawa ang University of the Philippines na tangan ang 9-2 card, pangatlo ang University of the East, (6-5) at pang-apat ang University of Sto. Tomas (5-7).

Ang natitirang laro ng FEU ay kontra UP sa susunod na Sabado sa Filoil EcoOil Centre sa San Juan.

Nagsisimula ng laruin ang mga postponed games, kung saan ay nasa pang lima ang FEU, naungusan nila ang Adamson University na may 4-7 card.

Nanganganib ang A­te­neo na malaglag na sa kompetisyon sa hawak nilang 3-9 karta.

vuukle comment

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with