Yulos binisita ng Japanese coach
MANILA, Philippines — Nakasalo ng pamilya Yulo ang mahusay at beteranong Japanese coach na si Munehiro Kugimiya sa isang simpleng selebrasyon sa Leveriza, Manila.
Ibinahagi ni Angelica Yulo sa social media ang mga larawan kung saan kasama ng pamilya Yulo si Kugimiya.
Si Angelica ang ina nina Paris Olympics double gold medalist Carlos Edriel at Asian Junior Championships gold medalist Karl Eldrew
“Pre New Years celebration with coach munehiro kugimiya’s family.
It is our pleasure and honor to be visited by one of a greatest foreign coach of the Philippine gymnastics I’ve ever known in my entire life. Happy to see them,” ani Angelica.
Kasama ni Kugimiya ang kanyang ama sa pagbisita nito sa mga Yulo.
Si Kugimiya ang humubog kay Caloy na itinuturing na ngayong isang world-class gymnast mula sa pagiging simpleng atleta. Subalit naghiwalay ang landas ng dalawa dahil sa ilang hindi pagkakasundo.
Sa ngayon, hawak ni Kugimiya si Karl Eldrew na siya naman nitong huhubugin para sa 2028 Olympic Games sa Los Angeles, California.
- Latest