^

PM Sports

UST, Perpetual agawan sa playoffs sa SSL

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Maghaharap ang University of Santo Tomas at University of Perpetual Help System Dalta para pag-agawan ang upuan sa playoffs sa 2024 Shakey’s Super League Collegiate Pre-season Championship na lalaruin sa Rizal Memorial Coliseum ngayon.

Magsisimula ang bakbakan sa alas-6 ng gabi kung saan pakay ng wala pang talo na Golden Tigresses na ipagpatuloy ang kanilang winning streak sa tatlo sa Pool B para maka-usad sa susunod na round.

Sakaling manalo ang UST makakasalo nila sa No. 1 ang University of the East na may 3-0 karta sa Pool B sa event na suportado ng Shakey’s Pizza Parlor, GCash, Chery Tiggo, F2 Logistics, Peri-Peri Charcoal Chicken, Potato Corner, R and B Milk Tea at Summit Water.

Top two teams sa ba­wat pool ang aarangkada sa susunod na phase kung saan hahatiin sa dalawang squads para magharap ulit ng round-robin play para malaman ang kanilang rankings sa quarterfinals.

May twice-to-beat ad­vantage naman ang top two ranked squads sa bawat grupo sa crossover quarterfinals sa tournament na katuwang ang Smart Sports, PLDT Fibr, Mikasa, Asics, Rebel Sports, Eurotel, Victory Liner, Commission on Higher Education (CHED), Phi­lippine Sports Commission (PSC) at SM Tickets bilang technical partners.

Sinakmal ng UST ang Lyceum sa apat na sets bago winalis ang Mapua University sa kanilang sunod na laban.

Para sa Lady Altas determinado silang saltuhin ang UST sa asam nilang sumampa sa susunod na round, para manatili ang tsansa nilang makapalo ng bola hanggang sa cham­pionship round.

Yumuko ang Altas sa Lady Warriors sa tatlong sets.

Samantala, nais ng three-peat-seeking National University na makisalo sa tuktok sa Pool A sa pakikipagsagupa EAC sa alas-2 ng hapon habang katapat ng La Salle ang Letran sa alas-4 sa Pool C.

SHAKEY’S SUPER LEAGUE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with