PH Chess Team darating ngayon
MANILA, Philippines — Nakatakdang dumating ngayong araw ang Philippine Chess Team bitbit ang solid performance mula sa 45th FIDE Chess Olympiad sa Budapest, Hungary kasama ang gold medal na nasungkit ng Pinay chessers sa category B ng women’s section.
Dalawang batang woodpushers na miyembro ng Philippine team ang kuminang sa venue ng event sa BOK Sports Hall ng Hungarian capital, ito’y sina Daniel Quizon at Ruelle Canino.
Pinagpipisak nina Quizon, 19, at Canino, 16 ang mga seeded players na kanilang nakalaban kaya naman nasungkit ng una ang Grandmaster title habang ang huli ay nakalikom ng karagdagang 102 elo rating points.
Umiskor ang Cagayan de Oro native na si Canino ng impresibong anim na puntos kasama ang pagpapagulong sa mga rated players na sina Women GMs Claudia Amura ng Argentina at Carmen Voicu-Jagodzinsky ng Romania.
Lamang at may tsansa sanang manalo ni Canino kay former United States champion International Master Anna Zatonskih pero kinapos sa endgame, mas malaki pa sana ang maidadagdag sa kanyang rating points kung nakalusot siya sa kanyang kalaban.
- Latest