Minowa Sachi bagong pangalan ni Jaja Santiago
MANILA, Philippines — Goodbye national team na talaga si Jaja Santiago matapos makuha ang kanyang Japanese citizenship.
Pormal nang inihayag ni Santiago kahapon sa kanyang social media account na nakumpleto na nito ang naturalization process.
Dahil dito, maaari nang makapaglaro bilang bahagi ng national team ng Japan si Santiago.
Minowa Sachi ang magiging Japanese name ni Santiago.
Aminado si Santiago na hindi naging madali ang kanyang naging desisyon. Alam nitong may susuporta at tataliwas sa kanyang ginawa.
“Changing nationality was never an easy decision. It took a lot of sacrifices to achieve your dreams. Some people will support my decisions, others will not understand my decisions,” ani Santiago.
Sa kabila ng pagpapalit ng citizenship, nilinaw ni Santiago na mananatili itong purong Pinay sa puso, sa dugo at hindi nito malilimutan ang kanyang bayang sinilangan.
“Now that I have already obtained my Japanese citizenship, in my heart, blood, mind, and soul, I am always a Filipina who was born in the Philippines. And I will not forget that,” ani Santiago.
Nagpasalamat si Santiago sa Japan Volleyball Association sa tiwalang ibinigay sa kanya gayundin sa pamunuan ng Philippine National Volleyball Federation sa suporta nito sa kanyang desisyon.
Kasalukuyang bahagi si Santiago ng JT Marvelous sa Japan V-League.
Bahagi ito ng Marvelous na nakasugnkit ng pilak na medalya sa nakalipas na season ng liga.
Asawa ni Santiago si Japanese mentor Taka Minowa na head coach ng Akari Chargers sa Premier Volleyball League (PVL).
- Latest