^

PM Sports

Diretsong 2 sa crossovers

Russell Cadayona - Pang-masa
Diretsong 2 sa crossovers
Nasawata ni Pauline Gaston ng Chery Tiggo ang hataw ni Jaila Atienza ng Nxled.
PVL photo

MANILA, Philippines — Hinataw ng Chery Tiggo ang ikalawang sunod na panalo matapos gibain ang Nxled, 25-16, 25-20, 25-23, sa 2024 Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Inilista ng Crossovers ang 2-0 record sa Pool B at pinigilan ang Chameleons sa hangad na back-to-back wins.

Muling binanderahan ni American import Khat Bell ang Chery Tiggo sa kanyang hinataw na 21 points mula sa 19 attacks at dalawang service aces.

“The girls played amazing. You know e­verytime someone came in and do what she’s supposed to do,” wika ni Bell.

Nag-ambag si Player of the Game Ara Galang ng 11 points sa likod ng pitong attack at apat na blocks bukod sa 11 excellent digs.

“Malaking bagay na panalo kasi nga galing kami doon sa straight sets din na game sa first game namin,” ani coach Kungfu Reyes. “Maganda na iyong nakakauna eh, para at least iyong momentum bitbit namin.”

Walang Nxled player ang nakapaglista ng double figures kung saan nalimitahan si American reinforcement Meegan Hart sa siyam na puntos.

Matapos malusutan sa second set, 20-25, ay kinuha ng Chameleons ang 23-22 abante sa third frame.

Itinabla ni Shaya Adorador ang Crossovers sa 23-23 kasunod ang error ni Trisha Genesis at off-the-block attack ni Bell para selyuhan ang kanilang panalo.

Sa ikalawang laro, winalis ng PLDT Home Fibr ang Galeries Tower, 25-19, 25-16, 25-17, para ilista ang 2-0 baraha at sosyohan ang Chery Tiggo sa liderato.

Pumalo si Russian import Elena Samoilenko ng 14 points galing sa 11 attacks at tatlong blocks para pangunahan ang High Speed Hitters sa ikalawang sunod na arangkada.

vuukle comment

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with