^

PM Sports

Alindog pinanganga ang mga kalaban

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Parang nag-ensayo lang ang Alindog nang magaan nitong sinikwat ang panalo sa PHILRA­COM Group Based on Time (15) na nilarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas noong Martes ng gabi.

Nakipagtagisan agad ng bilis sa unahan ang Alindog sa Sky Lover at Jersy Crown paglabas nito ng aparato.

Nakaungos ng ba­hagya ang Sky Lover, nasa pa­ngalawa ang Alindog at pangatlo ang Jersy crown sa unang dalawang daan metro ng karera at umabot hanggang sa kalagitnaan pero padating ng far turn ay kumuha na ng bandera ang winning horse.

Papalapit sa huling kurbada ay nasa dalawang kabayo na ang agwat ng Alindog sa mga katunggaling nagkukumahog sa kahahabol.

Nakalamang ng three lengths ang Alindog sa rektahan kaya naman madali nitong tinawid ang meta ng may anim na kabayo ang agwat sa puma­ngalawang Noir.

Ginabayan ni jockey Jonathan Flores, nirehistro ng Alindog ang tiyempong 1:28.4 minuto sa 1,400 meter race sapat upang hamigin ng winning horse owner na si Bonapart Morales ang P5,000 added prize.

Dumating na tersero sa meta ang Sky Lover habang pang-apat ang Jersy Crown.

Samantala, anim na karera lang ang pinakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) pero naging masaya pa rin ang mga karerista sa kanilang paglilibang.

Pick 6, Pick 5 at Pick 4 ang mga natayaan ng mga karerista dahil hanggang anim na races lang kaya hindi sila nakataya ng winner take all (WTA).

vuukle comment

PHILRA­COM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with