Vietnam sisimulan ang title defense sa AVC Challenge Cup
MANILA, Philippines — Bubuksan ng Vietnam ang title defense sa pagsagupa sa Hong Kong sa paghataw ng 2024 Asian Volleyball Confederation (AVC) Challenge Cup for Women sa Rizal Memorial Coliseum.
Lalabanan ng Vietnam, pinagreynahan ang Challenge Cup noong 2023 sa Indonesia, ang 2022 winner Hong Kong sa Pool B ngayong alas-4 ng hapon sa continental competition na inorganisa ng National Volleyball Federation (PNVF) sa pamumuno ni Ramon “Tats” Suzara.
Kasama ng Vietnam at Hong Kong sa Pool B ang Indonesia, Kazakhstan at Singapore habang nasa Pool A ang Alas Pilipinas, Australia, India, Iran at Chinese Taipei.
Sa unang laro sa alas-10 ng umaga ay maghaharap ang Singapore at Kazakhstan kasunod ang bakbakan ng India at Iran sa ala-1 ng hapon.
Magkikita naman sa huling laro sa alas-7 ng gabi ang Australia at Chinese Taipei sa event na suportado ng Meralco, PLDT, Smart, Ayala Land, Nuvali, Foton, POC, PSC, Mikasa, Senoh, Asics, Maynilad, Rebisco, Cignal, OneSports, OneSports+ at PilipinasLive.
- Latest