^

PM Sports

Creamline diniskaril ang Petro Gazz

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Diniskaril ng nagdedepensang Creamline ang pagpasok ng Petro Gazz sa finals matapos agawin ang 27-25, 23-25, 27-25, 26-24 panalo sa single-round robin semifinals ng 2024 Premier Volleyball League All-Filipino Conference kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Hinataw ni Jema Galanza ang huling dalawang puntos ng Cool Smashers para pigilan ang dalawang su­nod na kamalasan sa PLDT High Speed Hitters sa pagtiklop ng elimination round at sa Choco Mucho Flying Titans sa semis no­ong Martes.

Tumapos ang 27-anyos na si Galanza na may 23 points mula sa 20 attacks, dalawang bocks at isang service ace para buhayin ang tsansa ng Creamline na maidepensa ang suot na korona.

Parehong may 1-1 record sa semis ang Cool Sma­shers at Gazz Angels.

“Hindi ko ine-expect ang nararamdaman ko ka­nina. pero kanina sabi ko ibi­bigay ko na ang lahat,” ani Galanza sa dalawa ni­yang atake mula sa 25-25 pagtatabla sa fourth set.

Ang nasabing dalawang puntos ng dating Adamson Lady Falcon ay bahagi ng isang 6-1 atake ng Creamline.

Nagdagdag ang nagba­lik na si Tots Carlos ng 21 markers para sa Creamline.

Pumalo sina Fil-Am Brooke Van Sickle at Jonah Sabete ng tig-22 points para sa Petro Gazz.

 

vuukle comment

PETRO GAZZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with