^

PM Sports

PBA All-Star Game nagtapos sa 140-140

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nauwi sa tabla ang Team Mark Barroca at Team Japeth Aguilar, 140-140, sa 2024 PBA All-Star Game na inilaro kamakalawa ng gabi sa University of St. La Salle Gym sa Bacolod City.

Nagbuslo ng pambihirang five-point play si Bolick sa huling 17.8 segundo mula sa steal ni Cliff Hodge upang makahabol ang Team Barroca, habang sablay ang game-winning three-point shot sana ni Calvin Of­tana para sa Team Aguilar tungo sa draw.

Ito ang unang tabla sa PBA All-Star Game simula noong 2017 nang magdikdikan ang Gilas Pilipinas at PBA Mindanao All-Stars sa Cagayan De Oro City.

Tampok sa All-Star Game ang bagong slam dunk na may katumbas na three points at four-point area kung saan nagpakawala ng matinding and-one na tres si Bolick matapos ang foul ni Oftana.

Nagtabla rin ang All-Star Game sa Bacolod noong 2008 subalit pinagbigyan ng PBA ang mga fans na magkaroon ng overtime kung saan nagwagi ang South All Stars sa North All Stars, 163-158.

Swak ang free throw ni Bolick para maitabla ang la­ro sa 140-all at magtapos sa 13 points kabilang na ang 10 markers sa fourth quarter.

Dahil dito ay hinirang bilang co-Most Valuable Player ng All-Star Game si Bolick kasama si Aguilar na humakot ng 21 points tampok ang sandamakmak na dunks lalo na sa fourth quarter.

“Kay CJ (Perez) dapat talaga ito. Noong una, fee­ling ko hindi yata ako pang All-Stars, pero sabi ko sige mamaya, ako naman.Binigay na sa akin ni Japeth (iyong trophy) kasi marami na siya,” ani Bolick sa kanyang unang All-Star Game MVP.

 

PBA ALL-STAR GAME

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with