^

PM Sports

Lady Spikers solo na sa 2nd spot

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagtulungan sa opensa sina Shevana Laput at Amie Provido sa opensa upang pagpagin ng defen- ding champions De La Salle University sa 15-25, 25-19, 18-25, 25-19, 15-12 panalo ang National Uni-versity sa UAAP Season 86 women’s volleyball tournament na nilaro sa Araneta Coliseum kagabi.

Nahirang na Best Player of the Game si Provido matapos ang impresibong 14 points mula sa siyam na spikes at limang blocks na kinana para sa Taft-based squad na kinahon ang pang-anim na panalo sa pitong laro.

Si Laput naman ang namuno sa opensa para sa La Salle na nagrehistro ng 20 markers.

Ang panalo ang nag-lagay sa La Salle na masolo ang ika-2 puwesto sa team standings habang laglag sa third place ang Lady Bulldogs tangan ang

5-2 record.

Nakahirit ang Lady Spikers ng deciding fifth set matapos ang impresi-bong panalo sa set four.

Tabla ang iskor sa 7-All sa fifth frame pero pumalo ng tatlong sunod na puntos ang DLSU para hawakan ang three-point lead 10-7 at umangat pa sa apat 13-9.

Subalit hindi basta nag-padaig ang Lady Bulldogs, naibaba nila sa dalawa ang hinahabol, 13-11.

Nanatili naman ang tatag ng Lady Spikers kaya nasikwat ang inaasam na panalo.

vuukle comment

LADY SPIKERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with