^

PM Sports

Lady Bulldogs nilapa ang Lady Falcons

Nilda Moreno - Pang-masa
Lady Bulldogs nilapa ang Lady Falcons

MANILA, Philippines — Walang kahirap-hirap na nilapa ng National University ang Adamson University, 25-17, 25-20, 25-20 sa UAAP Season 86 women’s volleyball tournament na nilaro sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, kahapon.

Winalis ng Lady Bulldogs sa tatlong sets ang Lady Falcons upang sikwatin ang pangalawang sunod na panalo at ilista ang 2-1 karta.

Maganda ang pagka­kabigay ng bola ni Camilla Lamina sa mga kakampi kaya naman nahirang siyang Best Player of the Game matapos ilista ang 17 excellent sets.

Pinamunuan ni Alyssa Solomon ang opensa para sa NU nang itarak ang 17 points mula sa 14 attacks, dalawang blocks at isang service ace habang bumakas si Mhicaela Belen ng 15 puntos.

Pumutok agad sa opensa sina Solomon at Belen kaya naman magaan nilang nasungkit ang panalo sa set 1.

Bahagyang pumalag ang Lady Falcons pero hindi na hinayaan ng Lady Bulldogs papormahin pa ang kalaban.

Sa ikalaawang laro, pahirapang dinagit ng A­teneo ang 22-25, 20-25, 25-22, 25-17, 15-9, panalo kontra University of the Philippines.

Natisod sa unang da­la­wang sets ang Lady Eagles, pero bumangon agad upang sikwatin ang tatlong natitirang frames at ilipad ang unang panalo ngayong season.

Tumikada si Lyann De Guzman ng 24 points mula sa 19 attacks, apat na blocks at isang service ace upang tulungan ang Ateneo sa panalo.

 

vuukle comment

LADY FALCONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with