^

PM Sports

51 pts ni LaVine ibinasura ng Pistons

Pang-masa

DETROIT -- Kumamada si Jalen Duren ng 23 points at 15 rebounds para banderahan ang Pistons sa 118-102 paggupo sa Chicago Bulls at ibinasura ang career-high 51 points ni Zach LaVine.

Nag-ambag si Cade Cunningham ng 25 points at 10 assists para sa Detroit na tinapos ang 15-game losing slump sa Chicago habang may 18 markers si Alec Burks mula sa bench.

Ito ang unang 50-point game ni LaVine ngayong NBA season para ma­ging unang Bulls player na umiskor ng 50 points at walang assist matapos si Michael Jordan laban sa Miami Heat noong Nob­yembre 6, 1996.

Umalalay si DeMar DeRozan sa kanyang 20 markers kasunod ang 12 markers ni Nikola Vuce­vic.

Sa Toronto,  kumama­da sina Joel Embiid at Tyrese Maxey ng tig-34 points sa 114-107 pagdaig ng Philadelphia 76ers laban sa Raptors.

Tumapos ang reig­ning NBA Most Valuable Player na si Embiid na may 9 rebounds, 8 assists at 2 blocked shots habang may 7 assists at 6 rebounds si Maxey.

Sa New Orleans, tumipa si Brandon Ingram ng 26 points at may 24 mar­kers si Zion Williamson para giyahan ang Pelicans sa 96-87 panalo sa New York Knicks.

Nagtala si RJ Barrett ng 18 markers para sa New York na kumulapso sa New Orleans sa fourth quarter isang araw matapos talunin ang Atlanta Hawks.

CHICAGO BULLS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with