^

PM Sports

Special Race nasapol ng Robin Hood

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Makapigil-hiningang bakbakan sa rektahan ang napanood ng mga karerista matapos manalo ng Robin Hood sa PHILRACOM “Special Race” na nilarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City sa Batangas noong Linggo ng hapon.

Pagsalida sa aparato ay nakipagsabayan ng bilis ang Robin Hood sa The Accountant at Gusto Mucho na mga matutulin sa arangkadahan.

Matinding banatan sa unahan ang The Accountant at Gusto Mucho habang malapit na tersero ang puwesto ng Robin Hood.

Pagsapit sa far turn ay nagsimula ng umunat ang Robin Hood kaya naman sa huling kurbada ay nasikwat na ng winning horse ang unahan sa nangungunang Gusto Mucho.

Hindi basta bumigay ang Gusto Mucho, naki­pagtagisan pa rin ito ng bilis sa unahan sa Robin Hood sa rektahan at bandang 75 metro na lamang ng karera nakaungos ng todo ang huli.

Nirendahan ni jockey Jomer Estorque, tinawid ng Robin Hood ang meta ng may dalawang kabayong agwat sa pumangalawang Gusto Mucho.

Nilista ng Robin Hood ang tiyempong 1:39.2 minuto sa 1,600 meter race sapat upang hamigin ang P150,000 na premyo, nakopo naman ng nasegundong Gusto Mucho ang consolation prize na P56,250 pangatlong dumating ang Shining Vic.

vuukle comment

ROBIN HOOD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with