^

PM Sports

Brickman nakaisa kay Heading sa T1 Finals

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Brickman nakaisa kay Heading sa T1 Finals
Jason Brickman.
Alab Pilipinas

MANILA, Philippines — Naitakas ni Jason Brickman at ng Kaohsiung Aquas ang 101-99 panalo kontra kababayang si Jordan Heading at sa Taichung Suns sa Game One ng T1 League best-of-five finals sa Fengshan Gymnasium sa Taiwan.

Muntik masayang ng Kaohsiung ang malaking bentahe sa fourth quarter bago isalba ni Brickman na nasawata si sniper Hu Long-mao sa huling tatlong segundo para sa game-winner.

Nagtala si Brickman ng double-double na 19 points at 14 assists sahog pa ang 8 rebounds at 3 steals para sa 1-0 lead ng Aquas sa kanilang serye ng Suns.

Sumuporta kay Brickman si Hu na may 26 mar­kers habang may tig-13 points din sina Mindaugas Kupsas at Ferrakohn Hall para sa No. 1 seed na Kaohsiung.

Kontrolado ng Aquas ang buong laro sa minamandong double-digit lead kabilang na ang komportableng 97-88 abante sa huling anim na minuto.

Subalit nagising ang Suns nang magliyab sa 11-2 run upang sikwatin ang 99-98 abante mula sa jumper ni Anthony Tucker sa huling 46 segundo bago namayani sina Brickman at Hu para sa Aquas.

vuukle comment

JASON BRICKMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with