^

PM Sports

Ramirez saludo sa Pinoy athletes

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Saludo si Philippine Sports Commission William “Butch” Ramirez sa matikas na kampanya ng Team Philippines sa katatapos na 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

Walang iba kundi pasasalamat ang ibinigay ni Ramirez sa mga Pinoy athletes na nagbuhos ng dugo’t pawis upang ma­bigyan ng karangalan ang bansa.

Masaya si Ramirez dahil nakapag-uwi ang de­legasyon ng 52 ginto, 70 pilak at 104 tansong medalya sa kabila ng ma­tinding pagsubok na pinagdaanan dahil sa pandemya.

“Our performance in bringing home 52 golds, 70 silvers, and 104 bron­zes medals in placing fourth overall in the me­dal standings was a good finish despite the various challenges our national athletes had to face amid the COVID-19 pandemic before competing in Vietnam,” ani Ramirez.

Iginiit ni Ramirez na malaki ang papel ng pagbibigay ng pondo sa mga training programs ng mga atleta upang makapagbigay ito ng magandang performance sa mga international competitions gaya ng SEA Games.

“You need money for coaches, both local and foreign, airfare, transportation and hotel for international exposure to season them, plus the logistical support like proper nutrition, sports psychology, and medicine for athletes discovered abroad or locally,” dagdag ni Ramirez.

Magandang masimulan ang training program ng mga atleta sa murang edad — apat na taon sa short-term programs at 12 taon sa long-term prog­rams.

Kabisado na ito ni Ramirez na nagsilbi muna bilang commissioner noong 1998 bago maging chairman noong 2005 hanggang 2009, at 2016 hanggang sa kasalukuyan.

Isa sa mga numero unong halimbawa si weightlifter Hidilyn Diaz na sa edad na 17-anyos ay naging wild card noong 2008 Beijing Olympics.

Nakapilak ito noong 2016 Rio Games bago makasikwat ng ginto noong 2020 Tokyo Olympics.

Kaya naman nakiki­pagtulungan ang PSC sa iba pang sangay ng gobyerno para mas lalong mapalakas ang grassroots development program ng ahensiya.

BUTCH RAMIREZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with