^

PM Sports

New ZeaLand tumiklop sa Gilas

John Bryan Ulanday - Pang-masa
New ZeaLand tumiklop sa Gilas
Kai Sotto (11) had his best game in a Gilas Pilipinas jersey against New Zealand with 19 points, 17 rebounds and seven assists.
Philstar.com / Martin Ramos

MANILA, Philippines — Nakaisa na sa wakas ang Gilas Pilipinas kontra sa New Zealand sakay ng pambihirang 93-89 tagumpay sa pag-arangkada ng ikalawang window ng 2025 FIBA Asia Cup Qualifiers kahapon sa Mall of Asia Arena.

Kinarga ni naturalized player at resident Barangay Ginebra import Justin Brownlee ang Gilas sa likod ng kanyang muntikang triple-double performance habang si Kai Sotto ang trumangko sa depensa tungo sa kanilang kauna-unahang tagumpay kontra sa Tall Blacks.

Blanko pa ang Gilas , world No. 34, sa apat na duwelo kontra sa New Zealand at sa average losing margin pa na 24.3 puntos bago ang tagumpay tampok ang 26 puntos, 11 rebounds, 4 assists 2 steals at 2 blocks ni Brownlee.

Bida sa heroics ni Brownlee ang game-sealing freethrows sa huling 11 segundo na sinundan ng krusyal na tapal ni Sotto sa huling tangka ng world No. 22 na Tall Blacks.

Angat sa 3-0 ang Gilas, na sunod na makakasagupa ang Hong Kong, para sa solo liderato sa Group B habang nalasap ng New Zealand ang unang kabiguan sa 2-1.

Umalalay sa kanya si Sotto na may halos triple-double ding rehistro na 19 puntos, 10 rebounds at 7 assists sahog pa ang 2 steals.

Solido rin ang ambag na tig-11 puntos nina Dwight Ramos at Chris Newsome, na ibinuslo ang pang-selyong tres sa huling minuto para sa 91-84 na bentahe.

GILAS PILIPINAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with