^

PM Sports

Pelicans vs Suns sa West playoffs

Pang-masa

LOS ANGELES — Humataw si Brandon Ingram ng 30 points para sa pagbangon ng New Orleans Pelicans sa 13-point deficit sa fourth quarter at balikan ang Clippers, 105-101, sa kanilang play-in game.

Inangkin ng Pelicans ang No. 8 seed kalaban ang No. 1 ranked Phoenix Suns sa Western Conference first-round playoffs.

Ito ang unang pagkakataon na nakapasok ang New Orleans sa playoffs sapul noong 2017-18 season sa paggiya ni first-year coach Willie Green na nakahugot kay CJ McCollum ng 19 points.

Nagawa ito ng Pelicans na wala si power forward Zion Williamson na hindi nakalaro sa buong season dahil sa foot injury.

Naglaro naman ang Clippers na wala sina superstars Paul George (health and safety protocols) at Kawhi Leonard (ACL injury).

Kinuha ng Clippers ang 75-62 abante sa fourth period bago bumida si Ingram at itabla ang Pelicans sa 84-84 patungo sa 101-94 abante.

Sa Cleveland, kumamada si Trae Young ng 32 sa kanyang 38 points sa second half para aka­yin ang Atlanta Hawks sa 107-101 panalo sa Cavaliers at isubi ang No. 8 berth sa East Conference playoff kung saan lalaban nila ang No. 1 seed Mia­mi Heat sa first round.

NEW ORLEANS PELICANS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with